Tuesday, February 15, 2011

Lintik!

Now Listening to Show Me How You Burlesque.

04:54 pm,  15 February 2011

Nakakatawa. Ang daming bagay na naglalaro sa isip ko. Ay mali! Hindi siya madami. Paulit-ulit lang. Matagal na. Matagal na matagal na. Nag-enjoy atang maglaro sa isip ko. Playground?

Hmmm.

Isa pang hmmm.

Isa pang hmmm.

Okay. Eto yun eh. Bakit? Naiiisip ko pa din madalas. Andyan naman sila mama ko at papa ko na very supporting sa akin. Yung mga kapatid ko na syempre nakasama ko na at makakasama ko pa. Yung mga kaibigan ko na kaunti lang at bilang sa kama na kahit madalas wala, may mga  pagkakataong andyan sila. Yung BUCKS, kasi sila yung mga taong laging andyan kahit minsan ayaw mo na. At yung tatlong bestfriend ko.

Tapos matalino naman ako. Sabi nila. Mabait. Isa siguro sa mga pinakamabait, sabi nila. Pero ano bang kulang?

Alam ko na! Alam ko na! Alam ko nga ba? Hmmm. Napabuntong-hininga na lang ako.

At dun na naman ako nagsimulang mabaliw.

Kung iisipin mo, yung mga bagay na sinabi ko, madalas naman lahat ng tao, mayroong ganun. Hindi naman ako kaiba sa kanila. Tama! Sa bagay lang na yun.

Ano pa bang hinahanap ko? Simple lang. PAGMAMAHAL! Hindi yung romantic, pero maramdaman ko lang na mahalaga ako. Kahit kasi iparamdam sa akin yun, madalas natatambakan pa din ng mga oras na ipapamukha ng mga tao na isa akong walang kwentang tao. Pag may nakitang better, punta agad. Iiwan ka.

Malabo. Sana tulad na lang ako ng ibang tao! Kung bakit sa mundo, laging may diskriminasyon. Mahirap akong magustuhan. Mahirap. Mahirap akong mahalin. Pero wala naman akong ginagawa para mahirapan sila. Madalas sukuan. madalas iwan. Madalas na lang palagi.

Ikumpara ang sarili sa iba. Ayoko na! Pero hindi pa rin ako makuntento.

Sanay na rin ako eh. Lagi kong sinasabing sanay ako. Kasi eto naman ang nangyayari. Ano bang magagawa ko? Wala akong choice eh. Pero lagi nalang, bago ako matulog, pinapanalagin ko na sana dumating yung oras na magkarooon ako ng silbi sa ibang tao. Tanggapin nila na napaka-boring kong tao. Tanggapin at wag ipagtabuyan. Tanggapin.

Kailangan ko na talagang tanggapin na hanggang sa libingan ko, ganito na ako.

At ngbuzz ang computer. Time ko na sa internet cafe. Natapos ang kwento sa fb. Sana matapos na rin ang kalungkutan ko.

Sana lang talaga..

No comments:

Post a Comment