Wednesday, March 2, 2011

BEEF TAPA

Ito ay isang kwento ng isang ordinaryong tao na minsan ay nabuhay sa mundo at nangarap maging masaya.

Nakadungaw sa isang tapsilugan.

Nabuhay siya sa isang lugar na tahimik. Sa lugar na ang alam lang niya ay mayroong palayan at mga baka sa paligid. Ang tanging kiilala nya lang nun ay magulang niya na sa buong buhay nya ay minahal nya. Ganun din ang kanyang mga kapatid.

Isang bata na kinakitaan ng talino at kinakitaan ng isang maliwanag na kinabukasan. Mula nung bata siya, nabuhay na siya sa tingin ng ibang tao - nabuhay na hindi pwedeng magkaroon ng isang pagkakamali sa buhay nya.

"Joshua Garcia Espidillion. First Honorable Mention." Okay. Hindi man niya nasungkit ang valedictorian nung elementary siya, sakto pa din. Isang tagumpay na yun para sa kanya. Para sa iba, disappointment.

Siya si Josh, kung tawagin ng kanyang mga kaibigan. Iba pa ang tawag ng mga taong hindi niya kilala. Normal na tao. Mukhang tao. Subalit sa likod ni Josh ay may nagkukubling isa pang pagkatao.

Mula bata, kinakitaan na siya ng pambihirang kabaitan. "Okay, class. Tandaan natin. Carlos P. Garcia, Filipino First Policy. Bayan muna bago ang sarili."

Dito niya maaaring nakuha ang kanyang pagiging humanitarian. Iba muna bago sarili niya. Prinisipyo niya sa buhay ito at kahit anong pilit niyang iwasan ito, sa pagbibigay pa rin ng sarili humahantong ang kanyang sarili. Di mapigilan.

Tanda nya pa noon kung paano niya inako ang kasalanan ng kanyang kaklase nung maiwala niya ang ballpen ng kaklase nila. Bigay pa pala ng nanay niya yun at tila pagpatay ang naging tingin ng kaklase niya sa pagkawala nito. Sagutan ng mga bata, hanggang sa nagkaroon ng sakitan ang dalawa. Sa gitna ng nagrarambulang bata, nagawa pa rin ng paslit na si Josh ang pumagitna. "Pinahiram mo kaya sa akin yung ballpen, Gene. Yun yung maraming kulay tapos Pooh? Oo. Hala, sorry Kim. Nawala ko eh. Palitan ko na lang."

Hindi matawaran ang kabaitan ni Josh hanggang sa tumanda sya. Sa labingsiyam na taon na pamamalagi niya sa mundo, naranasan na niya marahil lahat ng pwede niyang maranasan sa kanyang kabaitan. Lahat.

No comments:

Post a Comment